Malalaman mo dito kung paano makita ang video sa youtube para sulit ang effort at oras sa paggawa mo ng video.
Kapag inapply mo ang 5 Secret Hacks na ito, mas malaking chance na magrarank up ka sa YouTube search para dumami ang views at subscribers mo.
To give you a preview sa paguusapan ito yun hacks na kailangan mo implement.
Step # 1: Research Before You Record
Step # 2: Make Searchable Content
Step # 3: Create Enticing Title
Step # 4: Improve Your Thumbnails
Step # 5: Improve Retention Rate In Your Videos
Ituturo ko yun dito sa video na ito (Watch below)
Para masulit mo ang bawat effort mo sa Youtube kailangan mayroon ka din strategy kung paano mo ito imomonetize.
Interested ka ba sa topic na iyon?
Mayroon kasi ako hinandang post para sayo kung paano kumita sa youtube.
Para maimplement mo ng maigi ang mga natutunan mo sa video kailangan lagi mo matandaan ang reminders na ito.
Kapag naligaw ka at hindi mo alam ang gagawin, pwede mo balikan ang reminders na ito.
Reminder # 1: Tungkol ba sa viewers at subscribers ang Video ko?

Keep in mind palagi ang main reason kung bakit nagsubscribe ang audience mo sa YouTube.
Hindi lang dahil naging searchable ang video mo pero naniniwala sila na ikaw ang magiging problem solver para sa kanila.
Once naramdaman nila na ang topics na pinaguusapan mo ay malayo sa interest nila o kaya sa paano masosolve ang problem nila.
Malaking chance na magunsubscribe sila sa channel mo.
Everytime na gagawa ka ng video at ang goal mo ay irecommend ito ni YouTube.
Lagi mo tatanungin sarili mo,
Tungkol ba ito sa audience ko at makakatulong ba ito sa kanila?
Makakapagprovide ba ito ng value sa kanila?
Kapag hindi ang sagot mo most likely mababa ang magiging result ng video mo kaya hindi masyado ito ipapakita ni YouTube.
Reminder # 2: Nagimprove ba ang quality ng videos mo?

Kung paano maging searchable ang youtube videos mo malaking factor na iniimprove mo ang quality ng video mo.
Wag na wag ka tumambay sa comfort zone mo at umalis ka na sa “okay na yan mentality” kung seryoso ka talaga na maging successful sa Youtube.
Hindi lang sa video quality pero malaking factor ang audience retention na diniscuss sa video.
Keep in mind na pinipili lang ni YouTube ang mga videos na mayroon mataas na retention rate pati narin ang mataas na clickthrough rate.
Magagawa mo yun kapag nagkaroon ka ng habit na magimprove sa quality ng videos na pinoproduce mo para sa mga viewers mo.
Reminder # 3: Commit To Improve Yourself

Ito ang magmake or break ang strategies mo kung paano makita ang video sa youtube.
Once na nagdecide ka na improve ang quality ng videos mo magkakaroon ng time na sarili mo ang pipigil sayo.
Magkakaroon ka ng doubts na baka hindi mo ito maimprove.
Magkakaroon ng time na parang tatamarin ka at sasabihin mo next time na lang.
Most ng mga Youtube Creators dito sila nahihirapan dahil hinahayaan nila pigilan ang sarili nila.
Paano mo ito matatanggal?
Keep on investing sa knowledge, skills at personality development mo.
Connect with people na mas malupit pa sayo para mainspire at mamotivate ka na humangad sa Youtube video career mo.
Sa personal channel ko, dito rin ako nahirapan nung umpisa.
Pero nung nagdecide ako makipagconnect sa mentors at creators na mas maraming subscribers sakin at magfollow sa videos nila.
Once nakikita ko na palagi sila naguupload at walang tigil sa pagimprove ng video nila.
Lalu ako naiinspire at bumangon para gawin ang ideas at imrpovement ko sa videos ko.
Kailangan mahanap mo rin ang magmomotivate sayo na magtuloy tuloy dahil yan ang magdedetermine ng success mo sa YouTube.
Yun maganda pwede ka rin makisali dito sa Facebook page natin para makahalubilo ka din sa mga kapwa creators mo.
Gusto mo rin ba yun?
Click here to like and follow our Facebook page.
Pwede ka rin pumunta dito sa channel natin para makipagconnect sa mga content creators na katulad na committed na maging successful sa Youtube Career nila.
Click here to visit our Youtube Channel
Para matulungan ka pa sa vlogging career mo, share mo jan sa comment kung anong topic ng mga videos na ginagawa mo.
Para makapagbigay pa ako ng suggestions or makapagreply sayo na pwede pa makatulong na maggrow ka sa Youtube.
See you sa comments!
#paanomakitaangvideosayoutube #pinoyvlogger #youtubesearch